AP Dyornal
Bakit tayo nagsusumikap? Ito ay isang simpleng tanong, tayo'y sumisikap upang mabuhay. Hindi lamang ang mga matatanda na kailangang magsumikap ang mga mag-aaral upang magkaroon sila ng isang kasiya-siyang marka. Nang mapanood ko ang video na'to ay napagtanto ko kung gaano ako ka ungrateful.
Mula sa pinapanood ko sa video ay isang dokumentaryo kung paano sila umani ng abaca. Sa pinakamalayo na bundok sa Sarangani mahahanap natin ang mgapuno ng abaca doon, dahil sa init maraming mga puno ng abaca ay namatay at hindi maaaring ani. Nahihirapan ang mga magsasaka ng abaca sa paghahanap at pag-aani ng mga nito dahil karamihan ito ay matatagpuan sa mga malamig na lugar lamag. Ang mga magsasaka ay makakakuha lamang ng isang beses sa isang taon, sapagkat aabutin ng isang taon upang makapalago ang isang puno ng abaca. Pinutol nila ang troso ng abaca at ginagawa nila itong manipis na piraso, pagkatapos ay inilagay nila ito sa isang presser at kinuha nila ang mga fiber nito; ang mga fiber na ito ay maaaring gawing lubid, papel, pera etc. Habang pinapanood ko yung video ay naawa ako nila dahil sa isang taon lang sila makakita higit isang libong pesos.
Dapat tayong maging responsable at magsikap. Bilang isang mag-aaral ay magsikap ako para bayaran ang mga magulang ko sa sa pagpapalaki sa akin. Gagawin ko ang aking makakaya at patuloy na subukang mabuti upang makamit ko ang aking mga pangarap balang araw.
"Work harder than you think you did yesterday."
Alex Elle
No comments:
Post a Comment